Una sa Balita

2 parak, enforcer nagsauli ng pitaka ng estudyante

By
0 2

Walang paglagyan ng saya ang isang foreign student na aksidenteng nalag­lagan ng kanyang pitaka na may lamang mahigit P40,000 cash makaraang maibalik ito ng dalawang miyembro ng Guiguinto police at isang traffic enforcer sa mismong kanyang tinitirhan sa Brgy. Poblacion, Guiguinto, Bulacan kamakalawa.

Nakatakdang parangalan dahil sa kanilang katapatan ni Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr., pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Bulacan chapter, sina PO1 Muhaimin Abdula, PO1 Ronald Hernandez, kapwa nakatalaga sa Guiguinto Municipal police station at traffic enforcer na si Niel Isla.

Ang dalawang matapat na pulis na sina PO1 Hernandez at PO1 Abdula at traffic enforcer na si Isla ang nagbalik sa pitaka ng foreign student na si Ron Christian Eliassen, Norwegian national na nag-aaral ng medisina sa bansa at pansamantalang nakatira sa Barangay Pob­lacion, Guiguinto.