Una sa Balita

2 panukalang batas isinampa ni Bong Go

0 288

DALAWANG bagong panukalang batas ang magkasunod na inihain sa Senado ni Senador Bong Go sa loob lang ng isang linggo, ito ay ang pagbibigay ng mga dagdag benepisyo at suweldo sa mga Barangay Health Worker (BHW) at ang pagbibigay proteksyon at ibayong suporta sa nursing profession sa bansa.

Sa Senate Bill No. 392 na kikila­lanin bilang Barangay Health Wor­kers Act of 2019 kapag naaprubahan na, mabibigyan na ng suweldo ang mga health worker sa barangay katumbas ng P11,068 kada buwan at mga benepisyo at kasiguruhan na hindi sila basta masisibak sa trabaho.

Ayon kay Go, ang mga BHW ang nasa frontline upang panatilihing malusog at walang sakit ang ating mga kababayan.

Sinabi ni Go, napapanahon na ang mga BHW naman ang dapat na alagaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta at mga benepisyo sa kanila.

Isa pang bill ang inihain ng senador mula sa Davao, ito ay para iangat ang edukasyon at propesyon ng mga nurse sa bansa.

Ang Senate Bill 395 ni Go, na kikilalanin bilang Advance Nursing Education Act of 2019 ay mag-aamyenda sa Philippine Nursing Act of 2002.

Sa naturang panukalang batas, bibigyan ng proteksyon at iaangat pa ang nursing profession sa pamamagitan ng makabuluhang edukasyon hinggil sa naturang propes­yon, maayos at makataong working condition at mas magandang career opportunity para sa mga nurse sa sa­riling bayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy