Una sa Balita

2 pang suspek sa Batocabe murder sumuko

0 378

Dalawa pang suspek sa pagpatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe ang sumuko sa awtoridad at dahil dito, anim ng katao na sinasabing sangkot sa krimen ang hawak ng pulisya.

Kinilala ang dalawa­ na sina Rolando Arimando at Danilo Muella na sumuko dalawang araw ang nakalipas makaraang sumurender din ang sinasabing gunman na si Henry Yuson.

Ayon kay Philippine National Police chief Director General Oscar Albayal­de, tatlong suspek ang nasa kanilang kustodiya na sina Christopher Naval, Emmanuel Rosello at Jaywin Babor.

Ang pangpitong suspek na sinasabing mastermind na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ay nahaharap sa kasong murder bagama’t mariing itinanggi nito na may kinalaman siya sa krimen.

Si Arimando ang sinasabing look-out at back-up gunman sa pagpatay kay Batocabe noong Disyembre 22. Habang si Muella ang bumili umano ng kalibre .45 na ginamit sa pagpatay. (Vick Aquino)