Una sa Balita

2 pang PUI sa Cavite, nalagutan

0 509

Isa sa namatay ang isang 64-anyos na misis ng isang dayuhan na dumating dito sa bansa nitong March 5 matapos na positibo ang lumabas na resulta sa isinagawang swab testing dito kahapon.

Marso 22 nang pumanaw ang nasabing ginang habang nasa ilalim ng PUI na residente ng Alfonso Cavite.

Ayon sa Facebook page ni Alfonso Mayor Randy Salamat, ipinapaalam niya sa lahat ng kanyang mga residente ang lumabas na resulta na nagpositibo sa COVID 19 ang nasabing ginnag.

Dumating umano sa kanilang bayan sa Alfonso ang 64-anyos na ginang noong Marso 5 mula sa United Kingdom kung saan wala pang Community Quarantine.
Na-admit Ito sa hospital noong Marso 21 at agad ding binawian ng buhay kinabukasan Marso 22 sa isang ospital.

Ayon pa sa nasabing alkalde, mayroon pa umano silang 8 PUI na nagpapakita ng sintomas at may travel history sa mga lugar na may positibong kaso ng COVID-19. Bukod dito ay may 1,083 na PUM na mga residente na nagmula sa ibang lugar.

Bukod sa asawa ng nasabing dayuhan, pumanaw na din ang isa pang nagpositibo sa COVID-19 sa bayan naman ng Naic.

Sa Facebook page ng Naic at ni Mayor Juanio Dualan, inilahad dito na pumanaw na ang isa nilang naka -PUI bago pa man lumabas ang resulta nito na positibo din sa Covid 19.

Dahil dito isinailalim na din sa total lockdown ang bayan ng Naic particular na ang Barangay Bucana Malaki upang hindi na kumalat pa ang virus. (Gene Adsuara)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More