Una sa Balita

2 pang preso sa Cavite Custodial Center namatay

By
0 481

MISTULANG araw-araw na may naitatalang namamatay na preso habang nakakulong sa Cavite Custodial Center makaraang dalawang bilanggo pa kabilang ang isang babae ang namatay nang nakaramdam ng hirap sa paghinga kahapon.

Sa ulat ng Dasmariñas City Police, dakong alas-6:30 noong Sabado nang gabi nang nakaramdam ng mahirap na paghinga si Josephine Padernos, da­laga, 43, ng Block 13 Lot 13, Brgy San Antonio De Padua 1, Dasmariñas City, Cavite habang nasa loob ng kulungan ng Damariñas City Custodial Center kaya isinugod sa pagamutan ng Dasmariñas City subalit dakong alas-3:15 nang madaling-araw ng Linggo nang ideklara itong patay ni Dr. Reb Bajas.

Inaresto at nakulong si Padernos dakong alas-10:40 nang gabi sa Brgy San Antonio De Padua, Dasmariñas City, Cavite dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drug Act of 2002).

Sa ulat naman ni PO3 Francis Mark Cortez ng Bacoor City Police Station, dakong ala-1:45 kamaka­lawa nang hapon nang manghina si Pilo Mogaz, 46, binata ng Phase 3 Citie Homes, Brgy Molino 4, Bacoor City, Cavite habang nasa loob ng kulungan ng Bacooor City Custodial Center kaya isinugod ito sa Las Piñas District Hospital subalit dakong ala-1:55 nang hapon nang ideklara itong patay ni Dr. Jefferson Di.

Si Morgaz ay inaresto at nakulong noong Dis­yembre 4, 2018 dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Si Padernos at Morgaz ang naitalang panglima at pang-anim sa bilang ng mga namatay na preso sa pagpasok ng taong 2019.

Noong Enero 2, naitalang namatay si Conrad Ibon habang magkasunod na namatay sina Cristituto Leveriza, 49 at Joy Castillo, 42 noong Enero 3 at Melly Benosa, 54 noong Enero 4 na pawang nakakulong sa Bacoor Custodial Center.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy