Una sa Balita

2 paksiyon sa Pdp-Laban ‘di kinaya ni Digong

By
0 667

BIGO si Pangulong Rod­rigo Duterte na pagkasunduin ang dalawang paksiyon sa loob ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Pinangunahan ng Pangulo nitong Huwebes nang gabi ang ipinatawag na caucus sa mga opisyal at at miyembro ng PDP-Laban na ginanap sa Diamond Hotel Manila.

Pero sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magpapa­tuloy ang pag-uusap sa pagitan ng grupo nina Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III at Atty. Rogelio Garcia para malutas ang problema sa partido.

“Well ang sabi ng Presidente mag-usap-usap sila lahat. I think sa Setyembre magpupulong uli, tapos kung hindi kakayaning magkasundo ay puwede naman pong maghiwa-hiwalay. Pero ngayon po ang sabi niya ay mag-usap muna ang lahat ng mga taong nasa loob ng partido,” ani Roque.

Kasama ng Pangul­o sa ginanap na party caucus ang ilang mi­yembro ng kanyang gabinete, kabilang sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Finance Secretary Carlos Dominguez. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy