Una sa Balita

2 pagsabog naitala sa Sulu

0 232

Sugatan ang isang sundalo sa dalawang pagsabog na naganap sa Igasan, Patikul, Sulu kahapon nang umaga.

Sa ulat na ipinadala ni Western Mindanao Command (Wesmincom) Spokeperson Major Alvin Encinas, naganap ang unang pagsabog ganap na alas-7:34 nang umaga sa Sitio Tibongbong, Igasan, Patikul, Sulu.

Pinaghihinalaang improvised explosive device (IED) ang ginamit na pampasabog sa lugar at wala namang naiulat na nasaktan dito.

Dakong alas-8:30 nang umaga naman ng sumambulat ang ikalawang pagsabog may 10 metro lang ang layo sa pinangyarihan ng unang pagsabog na ikinasugat ni Corporal Rene Mediana, ng 43rd K9 Platoon ng Phili­ppine Army matapos tamaan ito ng mga sharpnell sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alaman na nagsasagawa ng clearing operation ang mga sundalo sa naganap na unang pagsabog nang bigla na lang sumabog ang ikalawang bomba.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng awtoridad sa magkasunod na bomb blast.
(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy