Una sa Balita

2 pa sa Quezon Province nag-positive sa Covid-19

0 473

Nagkaroon ng dalawang bagong positibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon.

Lunes ng umaga ay inanunsyo ng Public Information Office ng lalawigan ang panibagong kaso.

Umabot na ngayon sa tatlo ang positibo sa probinsya.

Wala namang ibang ibinigay na detalye ang mga lokal na opisyal ng Quezon tungkol dito.

Meron din itong 73 kaso ng patient under investigation at dalawa na sa mga PUI ang pumanaw.

Pero ayon sa mga local health officials, hindi pa rin makumpirma kung COVID-19 ang ikinamatay ng dalawa dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng swab test sa mga ito. (Ronilo Dagos)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More