Una sa Balita

2 opisyal ng gobyerno sinibak ni Digong

By
0 29

Dalawang opisyal ng gobyerno ang panibagong nadagdag sa listahan ng mga sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil inupuan umano ang isang proyekto na makakatulong sana para maibsan ang malalang problema sa traffic sa Metro Manila.

Pero tulad ng mga naunang sinibak, hindi­ pinangalanan ng Pangul­o ang pagkakilanlan ng dalawang opisya­l para hindi mapahiya ang kanilang pamilya at mga anak pero sila aniya ay mula sa tanggapan ng Pasig River Commission.

Sinabi ng Presidente­ na hindi umusad ang mga dokumento para sa gagawin sanang tulay sa San Juan na magdurugtong sa kalapit lugar kaya si­nita niya ang dalawang opisyal.­

Ayon kay Pangulong Duterte, ikinatwiran sa kanya ng sinibak na mga opisyal na pinag-aaralan nilang maibalik muna ang dating anyo ng Ilog Pasig at mabuhay muli ang mga isda at iba pang maaaring mabuhay sa ilog.

Pero sinupalpal sila ng Presidente sa pagsasabing noong dumatin­g siya sa Manila noong 1960’s ay iba na ang kulay ng Ilog Pasig at ma­tagal nang pinagtatapunan ng mga dumi at kung anu-ano pa.

Humingi naman aniya ng paumanhin sa kanya ang dalawang opisyal sa pamamagitan ng sulat subalit tinuluyan na niya ang mga ito na alisin sa puwesto.

Matatandaang noong nakalipas na Linggo ay dalawa ring opisyal ng Malacañang ang sinibak ni Duterte.