Una sa Balita

2 opisyal ng DBM nireklamo kay Duterte

0 343

ISINUMBONG ng grupo ng mga construction firm kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) dahil sa umano’y paghingi ng 15 percent ‘kickback’ sa bawat proyekto na may Special Allotment Release Order (SARO).

Sa isang pahinang letter of complaint ni Mrs. Veronica Bautista ng VNB Construction, inakusahan nito ang dalawang empleyado ng DBM na umano’y tumatawag sa mga alkalde sa mga probinsya at humihingi ng 15 percent commission sa bawat project na may SARO.

Sinabi pa sa sulat ni Bautista, ang empleyado ay nagpapakilalang tauhan ng dalawang mataas na opisyal ng DBM at nagbabantang hindi ire-release ang pondo ng isang municipality kapag hindi ibinigay ang hinihinging 15% commission.

“Our dear President corruption is happening and we small time contractor are affected, our bids are being struck down because of the percentage that they are requesting,” bahagi ng sulat kay Duterte ng lider ng grupo.

Umaasa si Bautista na gagawa ng aksiyon si Pa­ngulong Duterte at paiimbestigahan ang mga nagsasamantalang opisyal ng gobyerno.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More