Una sa Balita

2 oil facility ng Saudi Arabia binomba

0 442

DALAWANG oil facility­ ng state-owned company Aramco­ sa Saudi Arabia ang binomba gamit ang drone.

Nagliyab ang Abqaiq, ang pinakamalaking oil processing plant ng Aramco, gayundin ang Khurais oilfield.

Naapula na ang apoy sa dalawang pasilidad, ayon sa state media.

Inamin naman ng Houthi group sa Yemen ang pagpapasabog sa dalawang oil facility gamit ang pinakawalan na 10 drone sa pag-atake.

Nagbabala pa ang spokesman ng Houthi movement na marami pa silang gagawing pag-atake sa Saudi Arabia.

Wala namang komento ang Saudi Arabia sa pag-amin ng Houthi group sa pambo­bomba sa kanilang oil facility.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy