Una sa Balita

2 OFW sa Taiwan nahulog sa bangin

0 251

NASAWI ang dalawang overseas Filipino wor­ker (OFW) matapos na sumalpok ang sinasakyang motorsiklo at nahulog pa sa bangin sa Taiwan.

Sa ulat, magkaangkas umano sa motorsiklo ang hindi na pina­ngalanang mga OFW na may ead na 34 at 28, isang babae at isang lalaki nang mangyari ang aksidente.

Sinasabing emple­yado ang mga biktima ng Hiwin at Canon Corporation.

Nabatid na sakay ang dalawa ng motorsiklo nang pagdating sa 28-line sa Qishan ay sumalpok ang motorsiklo sa guardrail ng kalsada at nahulog sa bangin na may lalim na 15 metro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy