Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 OFW sa Bataan nadagdag sa COVID positive

0 289

Dalawang overseas filipino worker ang nadagdag na nagpositibo sa corona virus disease sa Bataan.

Dahil dito naitala sa 184 ang kaso sa Bataan, ayon kay Bataan Governor Albert Garcia.

Ang mga apektadong OFW na nadagdag sa listahan ay isang 28-anyos mula sa Bagac at 35-anyos mula naman sa Mariveles.

Gayunman ay kinumpirma ni

Provincial Hospital chief Dr. Rosanna Buccahan na 154 na ang bilang ng nakarekober matapos gumaling ang isang 27-anyos na babae mula sa Orani.

Dahil dito, 20 na lamang angaktibong kaso ng Covid-19 sa Bataan at nananatiling 10 ang pumanaw na.(Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.