Una sa Balita

2 OFW napisak ng tren sa New Zealand

0 360

DALAWANG Pinoy ang nasawi habang tatlo pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos mabangga ng tren ang kanilang sinasakyan kotse sa Pongakawa, New Zealand kahapon nang umaga.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang Pinoy worker na pansa­mantalang hindi muna binanggit ang mga pangalan habang agad namang naisugod sa pagamutan ang tatlo pang kasamahan na kapwa nasa kritikal na kondisyon matapos magtamo ng matinding pinsala.

Ayon sa ulat ni Jesus Domingo, Ambassador ng New Zealand dakong alas-8:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa Pongakawa, North Island New Zealand.

Lumalabas sa imbes­tigasyon ng Fire and Emergency New Zealand, lulan ng isang kotse ang mga biktima nang tumawid ang mga ito sa crossing ng riles na kung saan hindi umano napansin ang parating na tren.

Papasok umano ng trabaho ang mga biktima bilang taga-pitas ng prutas nang maganap ang insidente.

Samantala, patuloy na nakikipag-ugnayan ang embahada sa employer at pamilya ng mga biktima. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy