Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 OFW nagbaon ng virus sa New Zealand

0 827

Matapos ang 96 araw na walang naitalang local transmission ng coronavirus, nakapagtala ang New Zealand ng dalawang bagong COVID-19 case na parehong nagmula sa Pilipinas.

Sa media release ng New Zealand Health Ministry, Agosto 5, sinabi na ang unang pasyente ay nasa edad 20s na lalaki na dumating noong Hulyo 23, mula sa Pilipinas via Hong Kong. Una itong sinailalim sa isolation sa Rydges, Rotorua at nagnegatibo sa virus noong day 3. Pero nilipat ito sa Auckland facility matapos magpositibo sa day 12.

Ang ikalawang kaso naman ay isang edad 40s na babae na dumating sa NZ noong Agosto 1, mula rin sa Pilipinas via Hong Kong. Naka-isolate ito sa Grand Millennium, Auckland at nagpositibo sa virus noong day 3 ng pananatili roon.

Dahil dito, ang kabuuang bilang na ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa sa 1,219. Ang mga aktibong kaso pa ay 24. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.