Una sa Balita

2 NPA sumuko sa Cordillera

0 298

DAHIL sa mahirap na buhay sa bundok, sumuko sa gobyerno ang dalawang pinaghihinalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkahiwalay ng lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon sa 503rd Philippine Army (PA) Brigade, sumuko sa kanilang headquarters sa Barangay Calanan, Tabuk City, Kalinga si Ka Joshua, 36.

Sinabi PA Brigade na isinuko rin ni Ka Joshua ang kanyang M-16 rifle na mayroong 11 na bala.

Base sa ulat, si Ka Joshua ay pumasok sa NPA noong 2013 at nakialyado sa puwersa ng rebulusyonaryo na nagkaroon ng operasyon sa munisipalidad ng Sagada, Bontoc, Besao, Tabian at buong sakop ng Mountain Province mula noong 2016.

Sa pahayan ni Ka Joshua, hirap ang pamumuhay sa loob ng kampo ng mga rebeld dahil sa kanya-kanyang pamumuno at mga hindi natupad na mga pangako ang nagtulak sa kanya upang sumuko.

Pangalawang sumuko sa Bauko Police Station-Intelligence Branch (BPS-IB) at Philippine Army (PA) ay si Ka Simon, 49, miyembro ng Militiang Bayan (MB) at KLG Bampis.

Ayon sa BPS-IB, pareho ang reklamo ni Ka Simon sa kanyang samahan kaya nagpasya siyang magbalik-loob ng pamahalaan.

Samantala, sinabi ni Police Regional Office-CAR (PRO-CAR) regional director P/Brig. Gen. Israel Dickson na maging vigilant ang mga mamamayan sa CAR na huwag magpaimpluwensya sa mga propaganda ng mga rebelde at kanilang organisasyon. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy