Una sa Balita

2 noontime show host itotokhang!

By
0 6,179

DALAWANG sikat na noontime show host na lalaki at babae ang tinitiktikan nga­yon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang makita ang mga pangalan ng mga ito na umoorder ng 200 piraso ng ‘ecstasy’ o mas kilalang party drug sa cellphone ng napatay na sinasabing pinakamalaking drug supplier sa Maynila.

Sa isang live interview sa DZMM Teleradyo, sinabi ni Director General Aaron Aquino, PDEA chief na kasalukuyan nilang bina-validate ang nakuha nilang impormasyon mula sa cellphone na pag-aari ng napatay na bigtime party drug supplier na nakilalang si Steve John Pasion sa isinagawang buy-bust ope­ration sa parking area ng isang condominium sa Sta. Cruz, Manila noong Lunes nang gabi.

Nabasa nila sa cellphone ni Pasion ang text message ng dalawang celebrity na umoorder ng 200 piraso ng ecstasy.
Tatlong beses umanong nag-text ang nasabing showbiz celeb at umoorder ng mga party drug. Hindi naman tinukoy kung anong network kabilang ang mga nasabing mga celebrity.

Nang tanungin kung sa kanyang palagay ay nagtutulak din ang nasabing mga artista, sinabi ng PDEA chief na malamang na nagiging distributor ng ecstasy ang mga ito sa rave party o sex orgy.

Anila, nakahanda silang ibunyag ang pangalan ng mga ito sa oras na ma-validate na nila ang kanilang mga impormasyon.

Ayon naman kay PDEA Director Levi Ortiz, tukoy na nila ang nasabing mga sikat na artista.

“Positive ‘yung dalawang kilalang celebrity pero hindi pa muna natin puwedeng i-identify kasi nagsasagawa pa kami ng follow up operation at baka masunog at magtago na sila,” ayon kay Ortiz.

Isinagawa ng mga operatiba ng PDEA ang buy-bust operation laban sa suspek na kinilalang si Steve­ John Pasion sa parking area ng isang condomi­nium sa Sta. Cruz, Manila, nitong Lunes nang gabi.

“’Yung modus operandi nila, ginagawa nilang storage o warehouses itong condominium,” ayon naman kay PDEA-National Capital Region Director Joel Plaza.

Sa report, habang inaaresto ng mga PDEA agent si Pasion ay nagtangka pa itong tumakas sakay ng kaniyang puting SUV ngunit naharang siya ng mga awtoridad.

Inutusan si Pasion ng mga awtoridad na bu­maba sa kaniyang kotse pero sa halip na sumuko ay nang-agaw umano ito ng baril at tinangka ring kunin ang sarili niyang armas na nasa loob ng kaniyang sasakyan.

Kasabay nito ay binitbit na rin ng mga PDEA agent ang nobya ni Pasion na si Sophie Mercado na tumangging magpahayag ng detalye sa mga mamamahayag. Nasa kostudiya ito ng PDEA habang inihahanda ang kaso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More