Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Nigerian, 2 Pinay sa Honey Love Scam nalambat

0 47

Dalawang Nigerian national na umano’y utak ng `Honey Love Scam’ at dalawa nilang kasabwat na Pinay ang naaresto ng mga tauhan ng Airport Police Department-Investigation and Intelligence Division (APD-IID) sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay APD-IID officer-in-charge Lt. Jesus Ducusin, isinagawa ang entrapment habang kinukubra ng mga suspek ang perang padala ng kanilang nabiktima.

Sa pakikipagtulungan ng isang remittance center sa Calasiao, Pangasinan, naaresto sina Promise Iwunamara y Chikwado; Oliver Ugonna y Okolie, kapwa Nigerian national at kasabwat na Pinay na sina Ernestila Sumaoang at Shirley Nalo.

Ayon kay Ducusin, na-paralyze nila ang sindikato nang maaresto nila ang dalawang mastermind.

Nakadetine na ang mga suspek sa APD-IID headquarters sa Ninoy Aquino International Airport. (Otto Osorio/Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.