Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 nasawi sa diarrhea outbreak

0 249

Patay ang dalawang bata matapos ang naganap na diarrhea outbreak sa tatlong barangay sa Tanza, Cavite.

Kabilang sa apektado ng outbreak ang Calibuyo, Punta 1 at Sahud Ulan.

Nabatid kay Dr. Ruth Punzalan, municipal health officer ng Tanza, Cavite na may dalawang kaso rin ng cholera ang na-detect.

Habang may 29 kaso ng diarrhea, ang naitala mula noong Oktubre 19.

“Total of 20 cases ang tinamaan ng diarrhea outbreak at may isa kaming death na 9-year-old,” ayon kay Punzalan. Nalaman na ang mga biktima na 11 buwan at 9 taon ay isinugod pa sa hospital pero nasawi run ng sumunod na araw dahil sa severe dehydration. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.