Una sa Balita

2 nangongotong sa mga vendor arestado

0 509

NAHAHARAP sa patong-patong na kasong robbery extortion and coercion sa Manila Prosecutors Office ang dalawang nadakip ng mga awtoridad dahil diumano sa pango­ngolekta ng pera mula sa mga vendor sa Divisoria, Maynila.

Iniharap ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Domagoso sa mga mamamahayag ang suspek na si Melanie Dela Cruz, 39, at alalay umano nitong si Marlon Carpio, 19. Naaresto si Dela Cruz noong Hul­yo 12 matapos ang ginawang surveillance operation at naaktuhan umanong nango­ngolekta ng pera sa mga vendor.

Hindi umano pinapayagan na makapaglabas ng kanilang mga pa­ninda ang mga vendor kung hindi sila magbibigay ng P500 hanggang P1,000 bayad sa kanilang puwesto.

Nalaman na ilang vendor na ang naghain ng anonymous report sa Office of the Mayor kaugnay sa extortion activity ng isang ‘Lanie’, ‘Zeny’ at ‘Carol Bakulaw’ sa sidewalk mula Recto hanggang Soler.

Sa nakalap na impormasyon, nabatid pa na mayroon nang nagaganap na tribal war sa iba’t ibang grupo ng vendor organizer sa Divisoria, nalaman din na may 5 na sa mga ito ang napatay sa nakalipas na 10 taon. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy