Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 nalunod sa ilog

0 33

Patay ang dalawa katao matapos malunod sa magkahiwalay na lugar sa nagdaang Semana Santa sa Isabela kahit na nasa ilalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Isabela at enhanced community quarantine (ECQ) ang Cagayan, ayon sa Office of Civil Defense-Region 2 (OCD-R2).

Sa ulat, ayon kay OCD-R2 information officer Michael Conag, sa kanilang pag-monitor sa nagdaang Holy Week, nakapagtala sila ng pagkalunod sa Cauayan City, Isabela at Amulung, Cauayan.

Ayon kay Conag, unang naiulat na namatay ay si Angelo Luis Velarde, 24, ng Barangay Alibagu, Ilagan City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report, ayon sa Ilagan City Police Station (ICPS), bago ang insidente, si Velarde ay nangingisda sa isang ilog sa nasabing barangay nang ito ay mapadpad sa malalim na parte nito.

Bigla siyang lumubog at hindi na nakaahon sanhi ng kanyang pagkalunod.Samantalala, noong Sabado naman natagpuan ng search and rescue team ng Philippine Air Force (PAF) ang bangkay ng isang 27-anyos na lalaki ng malunod sa ilog ng Amulung, Cagayan.

Sa report, ayon kay Conag, lasing umano ang biktima at pumunta sa ilog para maligo ngunit sanhi ng kanyang kalasingan, nalunod ito. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.