Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 nakuryente sa Port Area, todas

0 29

Patay ang dalawang lalaki nang makuryente habang namimitas ng mangga sa puno kamakalawa ng hapon sa Port Area, Maynila.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang sina Rodrigo Catubig, 32, pedicab driver; at Kinsley Balaba y Maribaw, 26, residente ng 12th St., Port Area.

Sa imbestigasyon ni P/SSg. John Paul Rojo, ng Manila Police District- homicide section, alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Knights of Rizal headquarters parking lot sa Bonifacio Drive, Port Area.

Nabatid na katatapos lang ng malakas na ulan nang umakyat ang dalawa sa puno para mamitas ng mangga.

Ang puno ay nasa tabi ng mga electric wires nang madikit umano ang kanilang panungkit. Dahil sa basang-basa ang mga wire ay tumulay ang kuryente sa panungkit patungo sa dalawang biktima na ikinahulog nila.

Rumesponde naman ang Philippine Red Cross sa pangunguna ni Michelle Gagalangin at dinala sa GABMMC pero ‘di na umabot ng buhay ang mga biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.