Una sa Balita

2 nakalawit sa binentang mga gold bar sa Palawan

By
0 2,431

Arestado ang dalawang lalaki sa Narra, Palawan matapos umanong magbenta ng mga pekeng gold bar sa isang retiradong pulis nitong Lunes.

Kinilala ni Supt. Imelda Tolentino ng Regional Public Information Office ng PNP-MIMAROPA ang mga suspek na sina Jack Amaton, 39, at James Jamaani, 49, pawang mga residente ng Rizal, Palawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya sa Narra, nagbebenta umano ng mga pekeng gold bar ang dalawa sa isang retired police officer na si Solaiman Noor, ngunit naghinala umano ang biktima kaya sinumbong ito sa kapulisan, kaya agad na nakapagsagawa ng entrapment operation na nagresulta ng pagkaaresto sa mga ito.