Una sa Balita

2 nagpapataya ng loteng kalaboso

0 183

Arestado ang dalawang nagpapataya ng loteng sa ikinasang anti-criminality operations, kamakalawa nang hapon sa Barangay Fortune, Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Ernesto Racon at Rudy Tendelo, kapwa 51-anyos, residente ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong pag­labag sa P.D 1602 o mas pinahigpit na parusa para sa iligal na sugal.

Nagsasagawa ng anti-crimina­lity operations ang mga tauhan ng Special Operation Unit bandang alas-2:30 Miyerkoles nang hapon nang maispatan ang dalawang suspek na nagpapataya ng loteng sa Champaca St.

Agad na sinita ang dalawa at dinala sa Marikina Police station habang nakumpiska naman sa dalawa ang isang stab bettor’s ticket, isang ballpen at limang P20 bill. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy