Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 nadale sa sumabog na IED

0 72

DALAWA ang sugatan kabilang ang isang sibilyan sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa Tipo-Tipo, Basilan, ayon sa Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command.

Sa report ng militar, sinabing nangyari ito nitong Lunes, Abril 12.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“While our troops from the 12th Division Reconnaissance Company were conducting mobile patrol at Sitio Bohe Bekew, Barangay Baguindan, Tipo-Tipo around 6:25 in the morning, a roadside IED exploded which resulted in the wounding of one of our valiant soldiers and one civilian,” sinabi ni Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng Western Mindanao Command.

Agad na nilapatan ng paunang lunas sugatang sundalo at sibilyan saka dinala sa isang ospital sa Lamitan.

Agad namang nagsagawa ng clearing at pursuit operations ang mga sundalo para mahagilap ang mga rebelde na posibleng may kinalaman sa insidente. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.