Una sa Balita

2 most wanted na magnanakaw sa Maynila nadakma

0 287

NADAMBA ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person dahil sa kasong pagnanakaw, sa isinagawang operasyon sa Sampaloc, Maynila.

Una umanong nahuli si Jonathan Acuendo Abant­o, 19-anyos, tricycle driver at residente ng Sampaloc, Maynila.

Nabatid na si Abanto ay nasa ikatlong most wan-ted person ng MPD, at may warrant of arrest na i­nisyu ni Judge Ferdinand Baylon ng Regio-nal T­rial Court (RTC) Branch 77 ng Quezon City sa kasong pagnananakaw.

Huli rin si Adrian Brieva Angeles, 29, isang CCTV installer na taga-Sampaloc.

Nalaman na si Angeles ay nasa ika-anim na most wanted person na may nakataas na warrant of arrest na inisyu ni Judge Renato Encisco ng RTC Branch 12 Manila sa kaparehong kaso ng una.

Nasa Station Custodian Facility ng MPD ang da-lawang wanted at ibabalik naman ang mga warrant of arrests sa mga korte na nag-isyu nito. (J­uliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy