Una sa Balita

2 miyembro ng drug group nalambat sa Cavite

0 475

ARESTADO ng pulisya ang dalawang hinihinalang miyembro ng Scorpion Group sa magkahiwalay na lugar sa Cavite City.

Unang nadakip dakong alas-12:35 ng hapon ang target na si Leo Loyola, alyas Leo Arayata at John Roa, nang magsagawa ng buy-bust operation sa kanyang bahay sa 120 Capt. Villareal St., Brgy. 36A, Cavite City.

Nabatid na isang high value target si Loyola na miyembro ng nasabing grupo.

Nakuha sa kanya ang sachet ng shabu at marked money.

Kasunod namang inaresto sa bisa ng warrant of arrest na insiyu ni Judge Amy Ana de Villa ng branch 16, Cavite City si Klarc Dave Tamondong, 24, ng Cavite City dahil sa kasong robbery at may P100,000 inilaan na piyansa at umano’y miyembro din ng Scorpion Group.Kapwa nakakulong ang dalawa sa Cavite City Custodial Center. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy