Una sa Balita

2 mangingisda hinahanap ng PCG

0 268

PATULOY ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ­dalawang ­mangingisda na sakay ng isang ­bangkang ­de-motor na ­napaulat na nawawala sa isla na nasasakupan ng ­Calayan, Cagayan.

Kinilala ng PCG-­Isabela ang mga ma­ngingida na sina Joel ­Pedronan, 26-anyos, at ­Norman Gumarang, 30-anyos, kapwa resident ng Brgy. Dilam, ng nasabing bayan.

Ayon sa PCG-­Isabela, sa sampung bangka, ­siyam lamang ang naka­balik matapos ­mangisda ang mga ito sa may bahagi ng Dipari island noong Enero 10, ­Biyernes na kung saan ang banka nina Pedronan at Gumarang ang nawawala pa.

Sinabi ng ahensiya, ayon kay Ofelia Mariano, kamag-anak ng isa sa mga biktima, hindi naman ­umano maalon nang pumalaot ang mga ito ng ­madaling-araw at posibleng ­napadpad ang dalawa sa may bahagi ng karagatan na may malakas ang alon lalo na sa Dipari Bassit.

Nanawagan si ­Mariano na kung ­sakaling napadpad ang mga biktima sa mga ­kalapit na lugar ay ­ipagbigay-alam sa mga awtoridad. (Allan ­Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More