Una sa Balita

2 mandurukot ng cellphone sa bus tiklo

By
0 771

Kulungan ang bagsak ng dalawang snat­cher matapos ireklamo nang pandurukot sa loob ng pampasaherong bus, kamakalawa nang gabi sa Pasig City.

Arestado sina Mark Jayson Masinas y Saul at Bryan Echalico y Gulam, kapwa nasa hustong gulang at kasalukuyang nakakulong sa Pasig detention cell sa kasong theft.
Naganap ang insidente bandang alas-siyete kamakalawa nang gabi habang nasa loob ng bus ang dalawang biktima na sina Cathy Oximana y Lacandazo, kitchen crew at Richmond Andrew Caing y Sedante, service crew, kapwa nasa hustong gulang, sa kahabaan ng Meralco Ave., sakop ng Brgy. Ugong, Pasig City.

Nasimplehang umanong dukutan ang dalawang biktima ng mga suspek habang nakikipagsiksikan sa loob ng bus at nang makuha na ang cellphone ng mga ito ay agad na pumara pababa ang dalawang suspek.

Isang pasahero naman ang nakapansin sa kahina-hinalang kilos ng mga suspek at sinabi sa mga biktima na nadukutan sila.

Agad na bumaba ang mga biktima at nai-report sa insidente sa nakatalagang pulis sa kanto ng Meralco Ave­nue at doon na nahuli ang mga suspek ngunit itinapon daw ng mga ito ang ninakaw na cellphone.