Una sa Balita

2 Malacañang bureau, gastador!

By
0 1

Dalawang opisina ng Malacañang ang sinita ng Commission on Audit (COA) dahil sa sobra-sobrang gastos sa internet at pagbili ng mamahaling bottled water.

Mabilis na ipinagtanggol ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. ang malaking gastos sa internet ng News Information Bureau (NIB) na umaabot sa P1,794,770.99 sa internet at P939,350.45 sa post paid plans noong 2015. Ang nasabing opisina ay sakop ng kanyang tanggapan.

Samantala, hindi malunok ng COA na dahil sa isang insidente ng diarrhea sa isang personnel ng Presidential Management Staff (PMS) ay hindi na sila umiinom ng tubig mula sa water refilling stations kundi bottled water na.

Lumaki ang gastos ng PMS sa tubig dahil mula sa P1.50 kada litro sa refilled water, naging P9.65 kada litro na ang gastos nila sa bottled water.