Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Makati bar pasaway sa protocol

0 109

Aabot sa 70 katao ang sinita ng mga awtoridad sa dalawang sinalakay na bar sa Makati City, dahil umano sa pagsuway sa pinatutupad na health protocol.

Sanib pwersa ang Poblacion Police Community Precinct at Makati Public Safety Department sa pag-raid sa dalawang high end bar nitong Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, unang pinuntahan ng mga awtoridad ang club sa General Luna Street sa Brgy. Poblacion at sinundan ng isang bar sa Burgos Street ng parehong barangay.

SM food to go Banner Ad

Dito nakita umano ang mga kostumer na hindi sumusunod sa social distancing.

Pinagmulta ang mga ito ng P1,000 dahil sa paglabag, habang pinag-aaralan na kung maipapasara ang dalawang bar.

Giit naman ng mga awtoridad, kailangan pa ring sumunod sa pinatutupad na health protocol ngayong quarantine dahil nagpapatuloy pa rin ang pandemya. Kabilang pa rin umano sa mga pinagbabawal ang mga pagtitipon ng mga tao at party.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.