Una sa Balita

2 LPA nagbabanta

By
0 308

DALAWANG low pressure area (LPA) na ang isa ay posibleng maging bagyo ang mino-monitor ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, kapwa nasa labas pa ng Phi­lippine Area of Responsibility (PAR) ang sama ng panahon – ang una ay huling namataan 195 km east northeast ng Davao City habang ang ikalawa ay 3,045 km east ng Mindanao.

Ayon kay weather specialist Chris Perez, posibleng malusaw ang unang LPA subalit maghahatid ito ng pag-uulan sa Eastern Visayas, Minda­nao at Palawan.

Ang ikalawang LPA ay inaasahan umanong magiging bagyo at papasok sa PAR sa Linggo o Lunes at inaasahamg tutumbukin nito ang Southern Luzon at Visayas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy