Una sa Balita

2 LPA binabantayan

By ,
0 2

Pumasok na sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang dalawang low pressure area o LPA na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (PAGASA).

Ayon kay Obet Padrina, weather forecaster, huling namataan ang isa sa LPA sa layong 850 kilometro silangan ng Surigao City sa Surigao del Sur.

Samantala ang isa pang LPA ay namataan sa layong 150 kilometro sa timog silangan ng Hinatuan Surigao del Sur.

Abante Hiring – IT dep

Nilinaw ni Padrina na walang kinalaman ang dalawang sama ng panahon sa mga nararansang pag-ulan at pagkidlat sa hapon at gabi.

Ang mga pag-ulan sa Mindanao,Visayas at MIMAROPA ay dulot ng inter-tropical convergene zone (ITCZ).

Samantala, nagpulong na kahapon ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa pangu­nguna ni Executive Director Alexander Pama para sa gagawing paghahanda ngayong panahon ng kalamidad.