Una sa Balita

2 lola nakapagtapos ng kolehiyo sa Makati

0 2,051

Kabilang ang dalawang senior citizens sa 2,680 estudyante na nakakuha ng college degrees sa University of Makati.

Nagpahayag ng kanyang labis na paghanga si Makati City Mayor Abby Binay kina Lola Remedios Sta. Ana, 84, ng Barangay South Cembo at Teresa Jacinto, 65, ng Barangay Pinagkaisahan.

Ang dalawang senior citizens ay nakakuha ng certificate sa barangay governance.

Ibinahagi ni Binay na si Lola Remedios ay nagtatrabaho bilang barangay health worker, samantalang barangay utility worker naman si Lola Teresa.

Sinamantala ng dalawang matanda ang alok na scholarship sa senior citizens ng lungsod sa lahat ng paaralan sa Makati City.

May kasamang insentibo ang sinumang senior citizen na makakapagtapos ng high school, college at graduate school sa University of Makati.

Ito’y bahagi ng programa ng pamahalaan lokal upang matupad ang pangarap ng mga senior citizen na magkaroon ng diploma. (Pinggoy Romero)