Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 lineman sa Negros Occ, lumagpak

0 201

Nakaratay ngayon sa pagamutan ang dalawang electric cooperative lineman nang lumagapak ang mga ito habang nagkukumpuni upang maibalik ang suplay ng kuryente sa Hinigaran, Negros Occidental noong Miyerkoles.

Kinilala ang biktimang sina Gaspel Reyes, 25 at Remiel Calapillo, 27, kapwa trabahador ng Iloilo II Electric Cooperative Inc.

Nabatid na umaasiste sa Negros Occidental Electric Cooperative ang dalawa upang maibalik ang linya ng kuryente na hinagupit ng bagyong Odette nang mangyari ang insidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.