Una sa Balita

2 lider ng Bayan Muna, 1 sanggol, patay sa opensiba ng AFP

By
0 147

Hindi sapat ang ‘sorry’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para maibsan ang hinagpis sa pagkamatay ng dalawang lider ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na napagkamalang lider ng Abu Sayyaf, at kanilang supling na isang taong gulang dahil sa operasyon ng militar sa Basilan.

Ayon kay Cristina Palabay, secretary general ng grupong Karapatan, dapat managot ang AFP sa pagkamatay ng mga sibilyan alinsunod sa international humanitarian law.

“Sorry doesn’t cut it. The soldiers of the Western Mindanao Command (WestMinCom) involved in the killing of a 1-year old baby girl, Moro leader Hadji Billamin Hassan and Nuruddin Musaddul Muhlis should be prosecuted and punished,” ani Palabay.

Nangyari umano ang insidente noong March 8 nang maglunsad ng operasyon ang CIDG, PNP, at AFP laban kay Hadji Billamin Hassan na napagkamalang lider ng Abu Sayyaf.

Ayon sa grupong Karapatan, si Hassan ay coordinator ng Bayan Muna simula pa noong 2001 at isang peace advocate na nagtatrabaho sa Bangsamoro Development Agency (BDA).

Hindi rin nagustuhan ni Palabay ang tila kawalan ng sensitibong pakikiramay ng pinuno ng WestMinCom na si Maj. Gen. Carlito Galvez Jr. dahil sorry lamang ang naging reaksyon sa pagkakadamay ng mga sibilyan sa kanilang all-out offensive sa Mindanao.

“Hassan was a Bayan Muna coordinator in Basilan, a member since 2001. He is not an Abu Sayyaf leader as wrongly tagged by the AFP. His name is being linked to the ASG because of his role in exposing the collusion of the ASG and AFP in their kidnap-for-ransom operations,” paglilinaw ni Palabay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy