Una sa Balita

2 lalaki na-Tokhang sa QC

By
0 101

Dalawa na namang lalaki na hinihinalang kapwa drug personalities ang patay sa Lungsod ng Quezon kahapon ng madaling-araw kung saan napag-alaman na ang isang biktima ay napatay sa isinagawang Oplan Tokhang habang ang isa pa ay itinapon lamang sa madilim na lugar.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Station 5, ganap umanong ala-una ng madaling-araw nang magsagawa ng ope­rasyong Oplan Galugad ang mga tauhan ng nasabing istasyon kung saan ay target nilang masakote ang napatay na si Leonel Lipata, 39-anyos ng Barangay Sta. Lucia ng nasabing lungsod.

Nang dumating umano sa lugar ang mga pulis ay nagpaputok si Lipata dahilan upang gantihan siya na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Narecover sa suspek ng mga tauhan Scene Of the Crime Operatives (SOCO) ang isang .38 caliber na baril at ilang sachet ng hinihinalang shabu ang narecover sa nasawing suspek.

Samantala, ganap na alas-kuwatro ng mada­ling-araw nang matagpuang wala nang buhay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakahandusay sa isang madi­lim na kalsada a Barangay Batasan Hills may nakasabit din sa leeg nitong sign board na may nakasulat na “Akyat Bahay, ‘Wag Tularan!”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy