Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 kotse swak sa tulay; 1 dedo, pinsan ni mayor damay

0 220

ISA ang patay nang mahulog sa ginagawang tulay ang dalawang kotse sa Tanza, Cavite.

Magkahiwalay na nangyari ang aksidente pero kapwa ito naganap sa Obispo Bridge sa Antero Soriano Highway.

Sa report, unang naitala ang aksidente Linggo ng gabi.

Ito ay nang mahulog ang isang itim na kotse na may tatlong sakay sa nasabing tulay.

Kwento ng driver, hindi nila nakita ang “Bridge Under Repair” na nakapaskil umano sa madilim na lugar.

Sinabi naman ni Kapitan Anthony Arbis, barangay captain ng Amaya Dos, na binangga ng driver ang concrete barrier.

“Medyo nakainom ‘yung tatlo eh. Nag-inuman daw sila eh. Galing sila sa Maragondon. Pinsan nila ‘yung mayor ng Maragondon. Taga-Quezon City,” sinabi nito.

Pahirapan ang pagsagip sa tatlo na pawang nagkaroon ng minor injuries kung saan ginamitan rin ng lubid ang isa para maiangat.

Samantala, ilang oras lang ang nakalilipas ay may nahulog ding sasakyan Lunes ng madaling araw.

Tatlo rin ang sakay nito at may kasamang bata. Nahulog ang puting sasakyan.

Namatay ang babae na sakay nito. Dinala pa siya sa ospital pero binawian din ng buhay. (Kiko Cueto/Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.