Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Koreano nasakote sa telco scam

0 154

Bagsak sa kamay ng batas ang dalawang Korean national na kapwa most wanted sa kanilang bansa dahil sa kasong telecom fraud sa Taguig City, ayon kay Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos.

Ayon kay Carlos, ang suspek na sina Han Joyoung, 26, at Gim Sihun, 26, na kapwa may red notice sa International Criminal Police Organization, ay naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Nadakip ang dalawa sa simultaneous operation ng CIDG nitong Miyerkules sa Unit 36B, 8 Forbes Road Condo, The Suites, 28th Street sa Taguig City.

“Our strong relations with foreign police agencies contributed to the success of this operation,” pahayag ni Carlos.

Sa impormasyon mula kay Seo Seung Whan, consul ng Korean embassy, ang dalawa ay pinaghahanap sa kasong fraud na inilabas ng Republic of Korea habang ang Interpol naman ang naglabas ng red notice at inalerto ang mga police agencies na kasapi nito sa buong mundo.

Miyembro umano ng isang telecom fraud organization ang dalawa at nakadale na ng 29M Korean Won.

Nagpapanggap umano ang mga ito na opisyal ng Hyundai Capital financial institution at umano’y nag-aalok ng mababang interes loans kung magbabayad ng advance. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.