Una sa Balita

2 korap cabinet member pinasisilip kay Duterte

0 341

IPAPABERIPIKA ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang alegasyon ng korapsyon laban sa dalawang miyembro ng gabinete.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo patungkol sa report na isinumite sa kanya ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Nauna nang ibinunyag ng PACC na dalawang miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte ang sangkot sa katiwalian.

Sinabi ni PACC Commissio­ner Greco Belgica na isinumite na nila sa Office of the President ang resulta ng imbestigasyon laban sa dalawang miyembro ng gabinete.

Ilang buwan aniyang isinaila­lim sa imbestigasyon ang dalawang kalihim matapos matanggap ang reklamo laban sa mga ito.

Gayunman, hindi nagbigay ng detalye o pagkakilanlan si Belgica laban sa dalawang cabinet official.

“Naibigay na ang report sa Office of the President bago mag-undas. Walang sasantuhin ang Pa­ngulo as long as matibay ang ebidensiya at saka nasunod ‘yung proseso sa imbestigasyon,” ani Belgica.

Bukod sa dalawang cabinet secretary ay mayroon ding mga undersecretary at assistant secretary na iniimbestigahan ng PACC kaugnay pa rin sa isyu ng corruption. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy