Una sa Balita

2 kompanya ng sardinas humirit ng ₱1.50 dagdag presyo

By
0 102

Humirit ng dagdag presyo sa kanilang produkto ang dala­wang kompanya ng sardinas sa bansa, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ito ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, pinuno ng Consumer Protection Group, dahil tumaas raw ang ha­laga ng mga raw material sa pag­gawa ng de-latang sardinas.

Ayon kay Castelo, humihiling ng P0.50 hanggang P1.50 dagdag sa presyo ang dalawan­g kompanya ng sardinas na hindi nito pinanga­lanan.
Tiniyak naman ni Castelo na masusi nilang pag-aaralan kung may batayan ang hirit ng mga manufacturer.

“Pinag-aaralan natin sila. Gusto natin kasi masigurong tama ‘yung mga dahilan nila,” ayon sa opisyal.

Nabatid pa na uma­abot na sa P1.75 ang itinaas ng mga pagkaing de-lata tulad ng sardinas, corned beef at meat loaf sa dalawang beses na price increase ngayong taon.