Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 killer ng Zambo bise alkalde tinutugis

0 154

Nilunsad ng mga awtoridad ang malawakang pagtugis sa dalawang suspek na sangkot sa pamamaslang kina Mabuhay, Zamboanga Sibugay Vice Mayor Restituto Calogne at Engineer Edgar Pampanga nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas, lahat ng police unit sa Zamboanga Peninsula ay inalerto para sa pagsasagawa ng dragnet operation para maaresto sina Er Er Mangoda at Jomar Taiting, pawang miyembro ng Anwar Ansang Criminal Group na sangkot sa gun for hire activities, pamimirata at pagtutulak ng iligal na droga sa rehiyon.

Bukod sa pagkamatay nina Calogne at Pampanga, sugatan din sa ang empleyado ng munisipyo na si Hdj. Abduhari Gapor at retiradong pulis na si Gregorio Baya Cenas.

Matatandaang alas-3:10 Biyernes ng hapon, habang nag-uusap ang mga biktima sa plaza sa harapan ng munisipyo ay sumulpot si Mangoda at pinagbabaril ang mga biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas si Mangoda patungo sa motrsiklo na minamaneho ni Taiting na naghihintay hindi kalayuan sa lugar ng pinangyarihan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.