Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 kelot niluray dalagitang kapamilya

0 262

Kulungan ang bagsak ng dalawang suspek sa panggagahasa sa menor de edad sa Malubog, Cebu City nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa report ng Investigation and Detective Management Unit ng Cebu City Police Office (IDMU-CCPO), ang dalawang lalaki ay top 2 at 3 sa most wanted person sa Central Visayas.

Ang warrant of arrest ay inisyu noong December 7 ni Judge Ester Veloso ng Regional Trial Court Branch 6 sa Cebu City.

Ang unang suspek ay kinilalang isang 71-anyos na lalaki, na swak sa limang count ng rape base sa IDMU-CCPO.

Samantalang ang ikalawang suspek naman ay isang 42-anyos na nagbebenta ng karne, siya naman ay kinasuhan ng dalawang count ng rape.

Ang dalawang suspek ay parehong wanted sa pangmomolestiya sa kanilang kamag-anak ilang taon na ang nakararaan.

Siguradong mananatili sa kulungan ang mga suspek dahil walang nirekumendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.