Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 kelot nagbigti: Nakadispalko, nasermunan

0 120

Nakadispalko ng pera sa trabaho habang nagtampo matapos sermunan ang nagtulak sa dalawang katao para kitilin ang kanilang buhay sa magkakahiwalay na insidente ng suicide sa Maynila at Navotas noong Miyerkoles.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), uminom muna ng alak bago nagbigti ang isang 37-anyos na lalaki dahil sa problema sa nadispalko umano nitong pera sa kanilang trabaho bandang alas-11:35 ng umaga sa Tondo, gamit ang nylon cord na itinali nito sa kisame ng kanilang kuwarto.

Samantala, dinamdam naman ng labis ng Grade 7 pupil ang pagsermon sa kanya ng ama kaya nagbigti ito sa loob ng kanilang bahay sa Navotas bandang alas-9:20 ng gabi gamit ang sintas ng sapatos.

Nag-iwan umano ito ng mensahe sa kanyang cellphone na hindi niya kinaya ang sakit ng loob sa pagsermon sa kanya ng ama. Nag-sorry rin ito sa nagawa niyang kasalanan na hindi na niya idinetalye. (Orly Barcala/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.