Una sa Balita

2 kawatan ng rubber shoes sa Marikina kalaboso

0 226

Nalambat ng Marikina Police ang dalawang kawatan matapos sitahi ng magpapatrulyang pulis at mabuking na nagnakaw pala ng mga rubber shoes sa isang dinistrungkang bahay sa Barangay Fortune, kamakalawa nang mada-ling-araw.

Kapwa nahaharap sa kasong resistance and disobedience at theft ang mga suspek na sina Jayson Villanueva, 22-anyos at Ranilo Badayos, 24-anyos, kapwa residente ng lungsod.

Batay sa report, i­naresto ang mga suspek bandang alas-kuwatro Huwebes nang madaling-araw sa Sarimanok Compound, Santan St., ng nasabing barangay, matapos sitahin ng mga nagpapatrulyang pulis ang mga suspek na tumatakbo at sa halip na huminto at nagpatuloy pa ang mga ito sa pagtakbo kaya hinabol sila ng sumitang pulis.

Doon na nabisto na nagmula ang dala- wang suspek sa bahay ng biktima na si Harris Mabale, 29, at ninakaw ng mga suspek ang Reebok rubber shoes na nagkakahalaga ng P10,000 at Nike na nagkakahalaga ng P4,500 kaya nagmadaling umalis palayo ng bahay ng biktima.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina custodial facility habang hinihintay ang pagdinig sa.kinahaharap na kaso.

(Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy