Una sa Balita

2 kawatan dumayo para magnakaw ng chocolates sa S&R

By
0 520

MAHIGIT isang oras na biyahe ang sinuong ng dalawang kawatan mula Malabon para lamang makulong sa pagnanakaw ng imported na assorted chocolates sa isang sikat na grocery store sa Mandaluyong City, kamakalawa nang hapon.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang dalawang kawatan na sina Joseph Peconada y Pama, 40-anyos, at residente ng No. 143 Block 2 Kadima, Letre, Malabon City, at Shiela Colo y Valdez, 20, ng Block 5, Brgy. Tonsuya, Letre, Malabon City.

Ayon sa report ng Mandaluyong police, inaresto ang dalawa matapos ireklamo sa pagnanakaw ng ibat ‘ibang klase ng imported na chocolates sa loob ng S&R membership shopping na matatagpuan sa Shaw Blvd, Pleasant Hills, Mandaluyong City bandang-2:13 kamakalawa nang hapon.

Hindi na pinalusot ni John Philip Arangorin y Ordona, 21, internal security staff ng S&R, ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek kaya hinarang niya ang mga ito nang aktong papalabas na ng nasabing grocery store.

Umabot sa P13,003 ang ipinuslit nitong chocolates.

Ayon pa sa security staff, ang mga suspek din ang tumangay ng Acai products noong Oktubre 24 na nakita sa kanilang CCTV monitor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy