Una sa Balita

2 Kapamilya singer itutumba ng popsters

By , ,
0 1,374

EXCLUSIVE na nakapanayam ng Abante ang isa sa Cornerstone manager na si Cynthia Roque tungkol sa balitang magsasampa ng demanda ang isa sa kanilang mga talent na si Angeline Quinto kaugnay ng intrigang tinawag nilang dalawa ni Morissette na “pabebe” at pinagtawanan ang pag-iyak ni Sarah Geronimo sa This 15 Me US Concert Tour Las Vegas show nito.

Ikinaila ni Angeline ang bintang na ‘yon sa kanila ni Morissette at hinamon pa ang mga Popsters o mga fan ni Sarah na ilabas ang sinasabing video na nakunan umano sa kanila ni Morissette habang pinagtatawanan nila si Sarah at sinasabing “pabebe” ito.

Ayon kay Cynthia, noong ­Biyernes ay nagpunta na sila sa Camp Crame kung saan located ang Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP) para ipa-blotter ang dalawang Popstar fan na nagbanta kay Angeline sa social media.

“Hindi kasi basta troll lang ang dalawang nagbanta kay Angeline. ‘Yung isa kasi, sinabing ipapatumba niya si Angeline at ‘yung isa naman ay sinabing sana ay hindi na abutin ng Mother’s Day ang nanay ni ­Angeline.

“Alam mo naman si Angeline, mahal na mahal niya ang nanay niya at hindi siya papayag na ­basta gawin ‘yon sa nanay niya. Saka ‘yung sa kanya rin naman, matin­ding pambabanta ‘yon na hindi dapat palampasin, kaya ginusto na nga niya na ipa-blotter.

“So, after ng interview sa kanya ng TV Patrol, sinamahan namin siya ni Kate (isang taga-ABS-CBN) sa Crame kasi nandoroon nga ‘yung Anti-Cybercrime Group ng PNP.

“Saka na-check nga namin na ‘yung dalawang nagbanta, hindi fake accounts. Totoong tao, so, pinate-trace na. Naka-blotter na. Hindi basta puwedeng palampasin na lang,” pahayag pa ni Cynthia.

‘Yung nagsimula umano ng isyu na ‘yon ay obvious na troll account lang, pero ‘yung mga nagbanta ay hindi. So, naghahanda na rin ba sila ng demanda?

“We’re talking to our lawyers. Wala pa namang demanda. Pero sabi nga ng lawyers namin, tama ‘yung ginawa ni Angeline na pagpapa-blotter. Tama na nagpunta kami sa Crame.

Heto ang tinutukoy na mga Twitter post.

@miko1617: Papatumba ko kayo mga gago.

@EddieDhandsome: Hoi plastic, mamatay na daw nanay mo bago mag mothers day..kaya mag makaawa ka na sa kaplastikan mo.

SARAH NAG-SORRY

Si Sarah na umano ang nag-sorry sa inasal ng ilang fan niya laban sa singer na si Angeline.

Nagpadala umano ng mensahe si Sarah kay Angeline na sobrang na-appreciate nito. Lalo umanong tumaas ang paghanga niya kay Sarah na noon pa man ay iniidolo na niya.

“Lalo na akong humanga kay Sarah. Kasi nakatanggap po ako ng message sa kanya at humihingi po siya ng sorry sa akin,” kuwento pa ni Angeline.

May nag-claim na galing sa isang tauhan ng programang ASAP, kunsaan nagpe-perform sina ­Sarah, Angeline at Morissette tuwing Sunday, ang video na pinagtatawanan umano si Sarah.

“Ang daming taong nadadamay. Saka, para sa akin, kung ikaw ay isang tao na iniidolo mo ang isang Sarah Geronimo, sana hindi kita nakikitaan ng ganu’n. Kasi hindi ganu’n si Sarah, napakalayo ng ugali ni Sarah sa mga nakikita ko na ginagawa ng ibang tao na humahanga sa kanya,” pagtatapos pa ni Angeline.

ANGELINE, MORISSETTE

HUMAMIG NG MATINDING

PANLALAIT

Marami nga ang nakabasa ng pagbabanta na ‘yon ng mga fan ni Sarah na kesyo ipatutumba nga nila sina Angeline at Morissette. Nag-trending nga ang pa-hashtag na #WagSiSarah.

Heto pa ang ilang mga pananakot at galit ng mga tagahanga ni Sarah:

@saddie_t: Morissette and Angeline. We don’t need fake Sarah and Regine wannabes #WagSiSarah.

@itsmehaven: Sarah was never a fad. A flash in the pan. Whatever you call it! She was never a one hit wonder or one vid viral! She’s a constant trend! Noon, ngayon at hanggang sa dulo! #WagSiSarah

@SarahG_CDO2015: Be like Jed Madela in the world full of ANGELINE QUINTO AND MORISSETTE AMON.

“If having a relationship with Kris Aquino is like having a relationship with the entire Philippines—creating a rift with Sarah G is like having a rift with the entire Philippines. #WagSiSarah
KevinArthur: Saka na kayo mag-ingay kung may legit and iconic achievements na kayo. hindi youtube views at youtube reactors lol you can never put a queen, superstar and good woman down.

“Woman of Positivity vs. ­Woman of Negativity.”

@keitohayasaka: i was almost your fan morisette and gave u the benefit of the doubt. i even stalked u on ig and was very happy to see ur picture with sarah may caption pa na “ate ko” let’s talk about being two-faced. Hmmm. #WagSiSarah

@sugaririri: ‘Don’t forget how you got here. Sarah Geronimo. The person who turned for you. Your coach. The reason why lots of doors and opportunities was opened and offered for you. The person who told ASAP to have you in THAT group instead. Be grateful! #WagSiSarah.

“Record breaking concerts. BOX OFFICE HITS MOVIES, MOST TRUSTED ENDORSER. MOST INDEMAND. KAYO ANGELINE AT MORISSETTE? ASA SA BARYA BARYA?”

Heto naman ang statement ng Cornerstone Entertainment, ang namamahala sa career ni Angeline:

“Cornerstone Entertainment, Inc.’s Statement on the Sarah Geronimo/Angeline Quinto/Morisette Amon Controversy: It has come to our attention that some netizens have been unfairly bashing Angeline Quinto for her alleged controversial reactions over the video portraying Sarah Geronimo’s emotional breakdown during her concert in Las Vegas. There is no truth whatsoever to the said allegations.
“Thus, we encourage everyone to avoid hurling unfounded accusations and derogatory statements towards the parties, which are clearly libelous, and instead, show their support to Ms. Geronimo as we can only imagine what she is going through right now.”

Binanggit pa sa pahayag na pinag-aaralan ng kampo ni Angeline ang pagsasampa ng criminal complaint.

MORISSETTE

TODO-TANGGI SA INTRIGA

Lalong nanggagalaiti sa galit ang mga fan ni Sarah dahil feeling nila ay patuloy na dini-dedma ni Morissette ang isyu sa idolo nila.

Hindi nga naman tulad ni Angeline na panay ang sagot sa mga banat sa kanya sa Twitter, at panay rin ang post sa social media ng paliwanag niya tungkol sa kinasangkutang isyu, si Morissette umano ay walang paramdam.

As if nothing happens umano ang drama ni Morissette, kaya lalong galit na galit ang mga fan ni Sarah.

Pero sa interview naman kay Morissette ng ABS-CBN, ipinaliwanag niyang nagulat talaga siya sa pangyayari.

“Wala pong nangyaring gano’n talaga. Napanood ko ‘yung video ni Ate Sarah na umiiyak, I was at home with my family,” sabi ni Morissette.

Eh, ang sabi kasi sa kuwento, nasa set siya ng Umagang Kay Ganda, ang morning magazine show ng ABS-CBN nu’ng mga oras na ‘yon.

Nasa dressing room daw si Morissette, kasama si Angeline Quinto, at doon nga raw naganap ang pagtawa nila at pagtawag na ‘pabebe’ si Sarah.

Pero giit ni Morissette, wala siya sa dressing room, at puwede raw itanong ‘yon sa staff ng ­Umagang Kay Ganda.
“Nagulat po ako na ang da­ming naniwala sa wala namang evidence. It’s sad that people can believe that fast. I’m just sad about that,” sey pa rin ni Morissette.

Masyadong mataas daw ang respeto niya kay Sarah para gawin niya ‘yon.