Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 Kapamilya aktres gusto nang maging Kapuso

0 3,142

Hindi na namin papangalangan muna dahil may posibilidad na itanggi lalo na at wala pang kasiguraduhan kung makalilipat nga ang dalawang kilalang actress na ito mula sa Kapamilya network.

Bago pa man tuluyang hindi pagbigyan ng franchise renewal ang ABS-CBN, dalawa na sa kilalang actress ng Kapamilya network ang balita namin ay interesadong makalipat ng Kapuso network.

Nang malaman nga namin ang senaryong ito, parang hindi namin ma-imagine ang dalawang actress na mga Kapuso na, huh! Bilang the two started and somehow, faces of Kapamilya.

Anyway, yung isang actress, mukhang interesado ang Kapuso kung sakaling seryoso nga na kino-contemplate na lumipat. Though, after the shutdown, parang plano muna raw nito na magpahinga ng isang taon.

Kaya ang rumored boyfriend ni actress ang posibleng maunang makalipat.

Si second actress naman, mas ito raw ang nagpapadala ng feeler kung interesado sa kanya ang GMA-7. Between the two, tila mas interesado sa unang actress ang network, base sa aming source.

Pero, hindi rin malabong magustuhan at tanggapin nila si second actress kung magiging maganda ang usapan nila.

Personally, tingin namin, kung sa ngayon ay wala pang malinaw na lipatan na nagagaganap lalo’t may pandemic pa naman, sooner, may posibilidad na meron at meron pa rin talagang mga Kapamilya na posibleng magnanap ng bagong kabuhayan sa ibang networks.

Ang GMA-7 at ang maingay na diumano’y mas TV 5 na posibleng lipatan ng mga ito, lalo na siguro ng mga Viva artists.

Jennylyn handang mawalan ng endorsement

Sa totoo lang, not just because she’s a Kapuso, pero masasabing surprising ang pagiging open at vocal ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa usapin ng socio at political ngayon.

Si Jennylyn kasi, ever since, hangga’t kayang manahimik na lang, mas yun siya. Pero this time, obvious na nag-trigger rito ang nararamdamang awa sa mga Kapamilyang nawalan ng trabaho.

Nakapalitan namin ng private messages si Jennylyn at sabi nga namin sa kanya, proud kami for speaking her mind. Mas naging open na rin ito by announcing na active na siyang muli sa kanyang Twitter account ngayon.

Sabi ni Jen, “Natakot tuloy ako kala ko may nag-hack nga. Ngayon lang ako naging active talaga sa twitter. Saya pala.”

Bumalik sa alaala ni Jennylyn ang panahong nabuntis siya sa anak na si Jazz. Na nagpunta raw siya ng America kahit isang buwan pa lang ang anak para kumanta at may mauwing pera sa pamilya. Kung paano raw ang kanyang network, ang GMA-7 ay hindi siya pinabayaan at sinuportahan siya.

Sabi nga niya, “Milyong milyong Pilipino ang nawalan na ng trabaho dahil sa pandemya at sa desisyon ng mga may kapangyarihan. Libo-libo na ang nagkakasakit at overcapacity na ang mga hospital. Pagod na pagod na ang ating mga bayaning medical frontliner. Ano na ba talaga ang plano?

“Isa sa mga masaklap na nangyayari ngayong pandemya, ay ang mismong Pilipino naging kalaban ang kapwa Pilipino. Hindi ba ang virus ang kalaban?”

May mga nagbabanta kay Jen na sa pagsasalita raw niya, posible siyang mawalan ng endorsement. Pero ayon dito, bago pa raw siya magdesisyong maging vocal sa nararamdaman at naiisip, willing na siyang i-risk ang mga ito.

At sa nangyayari, mukhang hindi mawawalan si Jen, posibleng madagdagan pa ang ineendorso niya dahil maraming kumpanya na raw ngayon ang mas gusto ang empowered women. Sa netizens na lang, ang dami nang nagpapahayag na bigla nilang napansin at ini-”stan” ngayon ang girlfriend ni Dennis Trillo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.