Una sa Balita

2 kandidatong senador, nagpustahan ng ₱20M

0 543

Alam ninyo bang ibang klase ang magkaibigang kandidatong senador na may pustahan na milyon-milyon tungkol sa darating na eleksyon.

Ayon sa aking bubwit, ang pusta­han ng magkaibigan ay na hindi mananalo si kandidatong senador na congressman ngayon kahit anong gawin niya.

Magkasundo ang magkaibigan sa pag­lalaro ng mahjong at sa isa sa sessions nila nagkakantiyawan ang dalawa na nauwi sa pustahan na hindi mananalo si congressman na kandidatong senador.

Ang halaga ng taya: P20 milyon lang naman.

Ayon sa aking bubwit, hindi just just si congressman kung pera rin lang ang pag-uusapan. Noon isang taon pa nagkalat ang mala­laki niyang billboard kasama na ang billboards na itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kamay.

Ang billboards ni congressman na kandidatong senador ay nakabandera sa pa­ngunahing mga kalsada gaya ng EDSA, C-5 Road, Katipunan Ave., E. Rodriguez Ave., Skyway at sa mga expressway.

Ayon sa aking bubwit, may P300 milyon na ang naibuga ni cong sa mga political ad at billboard. Ah kaya pala cong nu’ng laban nina Pacquiao at Brawner napakarami mong pol ads kapag commercial.

Balita rin na tatlo ang helicopter ni congressman-running-for-senator at gamit niya ang tatlong chopper pag may malakihan siyang lakad. Ibang klase si cong na mukhang malalim ang pinanggagali­ngan ng kayamanan.

Ayon sa aking bubwit, malaki ang property ni congressman sa area ng Liguasan Marsh sa Mindanao na kilalang ‘source’ ng minerals at kahit ng black gold o langis. Diyan ba nanggagaling ang pitsa mo cong?

Ang kandidatong senador na congressman ay si Cong. ‘M’ at ang kapustahan niyang susubok buma­lik sa Senado ay si dating Sen. ‘J’.