Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 kalye sa San Juan naka-ECQ

0 411

Inutos ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagsasara at pagsasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) sa C. Santos Street sa Barangay Balong Bato at Eustaquio Street sa Barangay Progreso makaraang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lugar.

Nakapagtala ng 7 kaso mula sa C. Santos Street habang 6 naman sa Eustaquio Street. Magtatagal ang ECQ hanggang July 22 upang mapigilan ang hawaan. Ayon sa alkalde, bibigyan ng food pack ang mga apektadong pamilya.

Samantala, extended ang pagsasara ng Agora Market hanggang sa July 15 matapos makapagtala ng 23 bagong nagpositibo. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.